VP Sara Duterte, nagbitiw na bilang gabinete ni PBBM

Kinumpirma ng Palasyo ng MalacaƱang na nagbitiw na si Vice President Sara Duterte bilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, bandang alas-2:21 ng hapon ngayong araw nang magsumite ng resignation sa MalacaƱang si VP Sara bilang kalihim ng Department of Education o DepEd at Vice Chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Wala namang ibinigay na dahilan si VP Sara sa pagbibitiw sa pwesto.


Dagdag pa ni Garafil, tinanggap na rin umano ni Pangulong Marcos ang pagbibitiw ng pangalawang pangulo.

Samantala, nagpapasalamat naman ang Palasyo ng MalacaƱang sa naging serbisyo ni VP Sara at mananatili pa rin naman umano ito bilang Bise Presidente.

Facebook Comments