
Personal na nagtungo sa Office of the Taguig City Prosecutor si Vice President Sara Duterte para maghain at panumpaan ang reklamong perjury laban kay Ramil Madriaga.
Si Madriaga ay self confessed former aide at umaming bagman ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Atty. Paolo Panelo, legal counsel ng pangalawang pangulo, nag-ugat ang isinampang reklamo sa malisyoso at maling statement ni Madriaga mula sa kanyang affidavit noong Nobyembre 29, 2025.
Sinabi noon ni Madriaga na nagsilbi itong intelligence and security officer na tumulong sa “Inday Sara Duterte is my President” (ISIP) group noong 2020 na sinasabing nag-deliver ng pera sa mga personalidad sa utos umano ni dating President Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte.
Paliwanag ni Madriaga, nakakuha sila ng certification mula sa Presidential Security Command, Armed Forces of the Philippines Security and Protection Group (AFP-SPG), Department of Education (DepEd), Davao City local government unit (LGU) na nagpapatunay na hindi nila naging empleyado si Madriaga.
May paglilinaw rin si Atty. Panelo Jr. kaugnay ng timing ng pagsasampa ng reklamo kay Madriaga dahil noong nakaraang taon pa ang affidavit nito pero ngayon lamang gumawa ng aksiyon ang pangalawang pangulo dahil isinama si Madriaga sa mga testigo sa impeachment complaint laban sa kanya.
Kanina ay personal na pinanumpaan ni VP Sara ang kanyang reklamo laban kay Madriaga sa Taguig Prosecutors Office.










