VP Sara Duterte, naglabas na ng statement hinggil sa kanyang paglipad sa Germany kahapon

Binasag na ni Vice President Sara Duterte ang kanyang katahimikan sa paglipad nito kahapon patungong Germany kasama ang kanyang pamilya.

Ayon kay VP Sara, personal trip niya at ng kanyang pamilya ang nasabing biyahe at may travel authority naman aniya siya mula sa Office of the President.

Nataon lamang aniya na natapat ang petsa ng kanyang paglipad sa Super Typhoon Carina.


Gayunman, agad naman aniyang kumilos ang Disaster Operations Center ng OVP para mamahagi ng tulong.

Pinasalamatan din ni VP Sara ang publiko sa pag-unawa nito sa privacy ng kanilang pamilya.

Pasado ala-una kahapon ng madaling araw, July 24, 2024 nang lumipad ang Emirates Airlines flight EK-335 patungong Germany via Dubai sakay si VP Sara, mister na si Mans Carpio, mga anak at ang kanyang inang si Elizabeth Zimmerman.

Facebook Comments