Pinapurihan ni Vice President Sara Duterte ang frontline civil servants at public servants na patuloy sa kanilang pagtupad sa tungkulin kahit ngayong holiday season.
Ayon kay VP Sara, malalim ang dedikasyon sa paglilingkod sa bayan ng government frontliners sa gitna ng mga selebrasyon.
Pinasalamatan din sila ng Pangalawang Pangulo ang kanilang sipag, sigasig, at sa tunay na pagmamahal sa bayan.
Dahil aniya sa frontline civil servants, walang naging interruption sa pagprotekta sa mga komunidad.
Nawa ay patuloy ang government frontliners na maging tanglaw ng pag-asa para sa lahat ng mga Pilipino.
Facebook Comments