VP Sara Duterte, nagpaabot ng pakikiisa sa milyun-milyong mga Pilipinong nagpoprotesta laban sa talamak na katiwalian sa pamahalaan

Ipinaabot ni Vice President Sara Duterte ang kanyang pakikiisa sa milyong-milyong Pilipinong aniya’y nadidismaya at nandidiri sa pamahalaang lulong sa insekuridad at walang kabusugang kasakiman.

Sa kanyang inilabas na statement, sinabi ni VP Sara na karapatan ng mga Pilipino na magpahayag ng kanilang saloobin at hindi ito dapat ibalewala ng pamahalaan.

Ayon kay VP Sara, nauunawaan niya ang galit ng taongbayan dahil siya mismo ay nasaksihan niya kung paano minanipula ng Kamara ang budget ng Department of Education (DepEd) kaya siya noon nagbitiw bilang DepEd secretary.

Facebook Comments