VP Sara Duterte, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng 3 nasawing Pinoy seafarers sa Red Sea

Nagpaabot ng pakikiramay si Vice President Sara Duterte sa pamilya ng tatlong Pinoy seafarers na namatay sa pag-atake ng Houthi rebels sa kanilang pinagtatrabahuhang barko na MV Eternity C habang naglalayag sa Red Sea sa Yemen.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni VP Sara na pinagdarasal din niya ang hustisya para sa mga namayapang Pinoy crew.

Kasabay nito ang panalangin sa kaligtasan ng iba pang tripulanteng Pilipino na patuloy na sinasagip ng mga dayuhang rescuers.

Facebook Comments