
Pinasalamatan ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Bongbong Marcos sa pagkaka-detain sa kanyang ama na si dating Pangulong Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Sa kanyang pagharap sa media sa The Hague, Netherlands, sinabi ni VP Sara na dahil sa pagkakakulong ng kanyang ama sa ICC, nanumbalik aniya ang kanilang relasyon bilang mag-ama.
Aniya, mas nagkakaroon na sila ng oras ngayon na makapag-usap ng dating pangulo hinggil sa mga usaping-pampamilya.
Nagkaroon aniya sila ng mas mahabang oras na makapag-usap araw-araw lalo na’t ang mga usaping legal ay ang abogado na ng dating pangulo ang nagdi-discuss nito kay FPRRD.
Sinabi pa ni VP Sara na nagkaroon din sila ng pagkakataon ng kanyang ama para sa pagpapatawad sa mga nangyari sa kanila sa nakalipas.
Inihayag din ng Pangalawang Pangulo na mas naging malalim ngayon ang kanilang relasyon ng kanyang kapatid na si Kitty Duterte.