VP Sara Duterte, nagsisisi sa pagsuporta sa administrasyon – Sen. Imee Marcos

Ipinabatid ni Senator Imee Marcos sa publiko na nagsisisi si Vice President Sara Duterte sa pagbibigay ng suporta sa kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos noong 2022 election.

Ayon kay Sen. Marcos, sinabi talaga ni VP Duterte ang paghingi ng tawad at pagsisisi na sinuportahan niya ang administrasyon at hinikayat din ang publiko na iboto si PBBM.

Humingi rin aniya ng kapatawaran si Duterte sa mga supporter ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ni Pastor Apollo Quiboloy dahil humigit-kumulang 2,000 pulis ang lumusob sa KOJC compound sa Barangay Buhangin alas-5 ng umaga upang ipatupad ang mga warrant of arrest laban sa pastor.


Aminado si Marcos na nalulungkot siya sa pagkasira ng Unity Team.

Magkagayunman, kahit may lamat na sa pagitan ni VP Duterte at Pangulong Marcos, sina Sen. Marcos at ang bise presidente ay nananatili pa ring malapit na magkaibigan.

Facebook Comments