VP Sara Duterte, nagtungo sa Bohol sa araw ng SONA ni PBBM

Nagtungo ng Bohol si Vice President Sara Duterte kasabay ng State of the Nation Address o SONA ng pangulo.

Ayon kay VP Sara, bumisita siya sa burol ni Bohol Vice Governor Dionisio Victor Balite na umupong acting governor ng lalawigan.

Ipinaabot din ng pangalawang pangulo ang kanyang pakikidalamhati, at pakikiramay sa pamilya ng yumaong opisyal, lokal na pamahalaan ng Probinsya ng Bohol, at lahat ng Bol-anons.


Nagkaroon din aniya sila ng pagkakataon na makausap ang ilang mga opisyal ng Bohol, munisipalidad, at barangay.

Nakiiisa rin si VP Sara sa Bol-anons kasabay ng kanilang selebrasyon ng Bohol Day ngayong araw.

Umapela rin ang Vice President sa sambayanang Pilipino na patuloy na maging MATATAG tungo sa pagtaguyod ng isang Bansang Makabata at mga Batang Makabansa.

Ang lahat aniya ay kanyang ginagawa para sa Diyos, sa bayan, at sa pamilyang Pilipino.

Facebook Comments