Nakatakdang bumisita si Bise Presidente Sara Duterte bukas ng Miyerkules, ika-12 ng Hulyo sa bayan ng Mangaldan bilang panauhing pandangal sa isang pagtatapos ng mga estudyante sa bayan.
Partikular na dadaluhan ng Bise Presidente at Education Secretary ang pagtatapos ng mga kabilang sa Senior High School sa Mangaldan National High School (MNHS).
Dahil dito, all set na ang seguridad at kaligtasan sa mga bahagi ng bayan na dadaan ng Bise Presidente kung saan ito ay dahil sa pinagsama-samang preparasyon ng mga kawani ng LGU Mangaldan, POSO, PNP, mga kawani ng Mangaldan National High School, mga principal sa lahat ng paaralan sa bayan at marami pang iba.
Tiniyak ni PLTCOL. Benjamin E. Zarate, Jr., na mahigpit ang kanilang gagawing mga hakbang sa seguridad at ang pagpapatupad ng maayos na seremonya ng pagtatapos.
Mas magiging maayos na rin ang daloy ng trapiko sa bayan dahil nagkaroon na ng plano ang mga kawani ng POSO sakaling magkaroon man ng major concerns sa trapiko.
Hinimok naman ng alkalde ng bayan na si Mayor Bona Fe Parayno ang lahat ng mga school heads sa bayan na aktibong lumahok upang bigyang pagkilala ang kahalagahan ng pagbisitang ito ng Bise Presidente at Kalihim ng DePed.
Matatandaan sa isinagawang pagpupulong ng mga nabanggit na tanggapan, isa na rito ang paghingi ng suporta at mga resources sa kalihim para sa mga paaralan sa bayan.
Matatandaan na noong nakaraang taon, bumisita na rin ang ikalawang mataas na opisyal sa Lungsod ng San Carlos para daluhan ang parehong okasyon ng pagtatapos. |ifmnews
Facebook Comments