VP Sara Duterte, nanawagan sa pamahalaan na huwag ipanakot sa anti-corruption rallies ang pagsasampa ng inciting to sedition

Nanawagan si Vice President Sara Duterte sa pamahalaan na huwag sisindakin ang mga nagsasagawa ng rally kontra korapsyon sa pamahalaan.

Ayon kay VP Sara, tila nagiging panakot na ng gobyerno ang paghahain ng kasong inciting to sedition sa mga nagpapahayag ng kanilang pagkadismaya sa talamak na katiwalian sa pamahalaan.

Ang pahayag ni VP Sara ay kasunod ng paghahain ng pnp cidg ng kasong inciting to sedition laban kay Cong. Kiko Barzaga na kilalang kritiko ng administrasyon.

Facebook Comments