
Hinimok ni Vice President Sara Duterte ang sambayanan na iwaksi ang anumang pag-aalinlangan at takot sa pagsalubong sa taong 2026.
Sa kanyang mensahe, inihayag din ni VP Sara na ngayon ang simula ng isang panibagong kabanata, isang malinis na pahina na aniya’y punung-puno ng pag-asa.
Ayon kay VP Sara, dapat ding hayaan na mag-alab muli ang ating tapang at determinasyon.
Anuman aniya ang hamon na ating haharapin, taglay ng mga Pilipino ang pambihirang lakas upang malampasan ang lahat ng balakid at ang bawat pagsubok aniya ay nagdudulot ng katatagan.
Idinagdag ni VP Sara na ang bagong taon ay paanyaya upang magkaisa at magsimula nang may panibagong pananaw.
At ang pinagsamang lakas at pananampalataya ang susi ng tunay na pagbabago.
Facebook Comments










