VP Sara Duterte, nanindigan na hindi siya pinatakbong presidente ni FPRRD

Nilinaw ngayon ni Vice President Sara Duterte na hindi siya pinatatakbong presidente ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at 7 beses siyang kinausap ng dating pangulo na huwag tumakbo.

Sa ginanap na presscon sa tanggapan ng Office of the Vice President (OVP) sinabi ni VP Sara na ginamit lamang aniya siya na tumakbo bilang vice president dahil malakas ito sa Visayas.

Kinausap aniya siya ni Senator Imee Marcos na tumakbo bilang pangalawang pangulo upang talunin si dating Vice President Leni Robredo kung saan ay agad naman nitong sinang-ayunan ang Senadora.


Giit ni VP Sara na hindi umano sila mananalo sa Visayas region kung wala umanong suporta sa kanya.

Pinasaringan din ni VP Sara si President Ferdinand Marcos Jr. na hindi ito marunong maging presidente at hindi umano niya kasalanan na maaga siyang nagsabi na hindi siya tatakbo sa pagkapresidente.

Matatandaan na lumalabas sa imbestigasyon ng House Good Government and Public Accountability Committee na umabot ng P16 million ang nagastos ng OVP noong 2022 para sa safe house sa loob lamang ng 11 araw.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa rin ang press conference at hindi pa rin pinag-uusapan ang confidential funds ng OVP maging ang usapin ng safe houses.

Facebook Comments