Wednesday, January 21, 2026

VP Sara Duterte, naniniwalang apektado na rin ang mental wellness ng ilang opisyal na sangkot sa flood control anomaly

Naniniwala si Vice President Sara Duterte na apektado na rin ang mental wellness ng ilang undersecretaries at assistant secretaries ng mga departamentong sangkot sa anomalya sa flood control projects.

Kasunod ito ng pagkamatay ni dating Public Works Undersecretary Maria Catalina Cabral.

Sa isang ambush interview sa Davao City, tumanggi si VP Sara na magbigay ng komento nang tanungin kung naniniwala siya na may foul play sa pagkamatay ni Cabral.

Samantala, tumanggi rin ang pangalawang pangulo na magkomento hinggil sa appointment ni dating Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III bilang General Manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Facebook Comments