Hiniling ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte-Carpio na maging libre na ang paggamit ng tubig at kuryente sa mga paaralan kapag tapos na ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ito ang sinabi ni VP Sara kanina sa signing ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Commission on Elections (COMELEC), DepEd, PAO para sa legal assistance ng mga guro sa BSKE.
Ayon kay VP Sara, ang mga ito kasi ay sinisingil sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng DepEd na hindi na kaparte ng kanilang mandato sa pagtuturo sa mga kabataan.
Bukod pa dito, dapat gawing libre rin aniya ang mga repair o pagkukumpuni sa mga nasisirang gamit at pasilidad pagkatapos ng halalan.
Dagdag pa ni VP Sara, isa rin sa kaniyang mga inirereklamo ay sa kanila rin china-charge ang kuryente at tubig tuwing gagamitin bilang evacuation centers ang mga paaralan, gayundin ang paglilinis at pagbabatay ng mga guro sa mga evacuee.
Gayunpaman, tiniyak ng pangalawang pangulo na gagawan nila ng paraan ang mga ito upang hindi mahirapan ang mga school personnel oras na matapos ang BSKE.