VP Sara Duterte, pinabulaanan na magbibitiw na siya sa pwesto

Pinabulaanan ni Vice President Sara Duterte na magbibitiw na siya bilang pangalawang pangulo ng bansa at Education secretary.

Ayon kay VP Sara, malinaw na wala siyang sinabing magre-resign siya sa naging speech niya sa Davao City.

Aniya, malinaw sa kanyang pagkakalatag sa kanyang speech na hindi siya nagbanggit ng resignation.


Sinabi pa ni VP Sara na posibleng line per line ang ginawang pag-interpret ng iilan sa kanyang talumpati at hindi napakinggan nang maayos ang kanyang buong speech.

Una nang lumutang ang balita na magre-resign na ang pangalawang pangulo para bigyang-daan ang kanyang paghahanda sa pagtakbo sa halalan.

Facebook Comments