VP Sara Duterte, pinasalamatan ang sakripisyo at dedikasyon ng bawat ina ngayong Mother’s Day

Inilarawan ni Vice President Sara Duterte ang mga ina bilang mga bayani sa buhay ng bawat isa.

Sa kanyang mensahe ngayong Mother’s Day, nagpasalamat ang pangalawang pangulo sa sakripisyo at dedikasyon na ibinubuhos ng mga ina hindi lang sa kanilang tahanan, propesyon, pati na rin sa komunidad at sa buong sambayanan.

Aniya, malaki ang papel ng pagmamahal ng isang ina sa pagbubukas ng mas maliwanag na kinabukasan at mas matatag na komunidad.


Dagdag pa ni Duterte, na kaisa siya sa layunin ng bawat ina tungo sa ikabubuti ng kanilang mga anak, komunidad at buong bansa.

Facebook Comments