
Kinuwestiyon ni Vice President Sara Duterte ang pagkakalusot sa mga awtoridad ng rocket-propelled grenade na ginamit sa ambush kay Mayor Akmad Mitra Ampatuan ng Shariff Aguak, Maguindanao.
Sa ambush interview kay VP Sara Duterte sa The Hague, The Netherlands, sinabi ni VP Sara na nagtataka siya kung bakit nakakalusot sa mga awtoridad ang pagdadala ng RPG sa kalsada sa araw na tapat.
Bunga nito, iginiit ni VP Sara na dapat magkaroon ng malalim na imbestigasyon sa naturang insidente.
Sa naturang ambush, nakaligtas si Ampatuan bagama’t nasugatan ang dalawang kasama nito.
Napatay naman ang apat na mga salarin.
Facebook Comments










