VP Sara Duterte, sumulat sa Kamara para hilingin na samahan niya ang kanyang COS na nakakulong

Sumulat si Vice President Sara Duterte sa Kamara para hilingan na payagan siyang samahan ang kanyang chief of staff (COS) na naka-detain sa Kapulungan.

Partikular na pinadala ni VP Sara ang kanyang liham kay Rep. Joel Chua na siyang Chairperson ng House Committee on Good Government and Public Accountability.

Sa nasabing liham sinabi ni VP Sara na nais niyang samahan sa detention facility ng Kamara si Atty. Zuleika Lopez hanggang sa mapalaya ito.


Nais din ng pangalawang pangulo na mabisita araw-araw si Atty. Lopez.

Kinumpirma naman ni Rep. Chua na natanggap na niya ang liham ni VP Sara.

Gayunman, kailangan aniya nilang tumalima sa panuntunan ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) na nagsasaad na ang kanilang detention facility ay para lamang sa detainees.

Sa pagkakataon aniyang ito ay hindi pa naman nila ipinag-uutos ang pag-detain sa vice president.

Facebook Comments