Friday, January 30, 2026

VP Sara Duterte, tiniyak na nakahanda ang kanyang legal team sa sunod-sunod na impeachment case na ihahain laban sa kanya hanggang sa taong 2028

Inaasahan na ni Vice President Sara Duterte ang sunod-sunod na impeachment complaints na ihahain laban sa kanya hanggang sa matapos ang kanyang termino.

Sa ambush interview sa The Hague, The Netherlands, sinabi ni VP Sara na nakahanda rito ang kanyang legal team maging ang panibagong impeachment na isasampa sa kanya sa papasok na buwan ng Pebrero.

Samantala, may payo naman si VP Sara sa supporters na magdidiwang sa kanyang pagkapanalo matapos pagtibayin ng Korte Suprema ang desisyon nito na nagdedeklarang unconstitutional ang impeachement laban kay VP Sara Duterte.

Facebook Comments