VP Sara Duterte, tiniyak na sisipot sa imbestigasyon ng DOJ sa reklamong isinampa laban sa kanya ng NBI

Tiniyak ni Vice President Sara Duterte na dadalo siya sa preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) kaugnay ng reklamong isinampa laban sa kanya ng NBI.

Ayon kay VP Sara, kailangan niyang personal na manumpa sa piskalya kaya sisiputin niya aniya ang pagdinig.

May kinalaman ang reklamo laban sa pangalawang pangulo sa sinasabing pagbabanta kina Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Liza Marcos at Speaker Martin Romualdez.

Una nang kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na natanggap na niya kahapon ang subpoena mula sa Office of the Prosecutor .

Facebook Comments