VP Sara Duterte, tiwalang kailangan protektahan ang kaunlaran at kapayapaan laban sa terorismo

Naniniwala si Vice President Sara Duterte na kailangang protektahan ang tinatamasang kaunlaran at kapayapaan laban sa terorismo.

Ayon kay VP Sara, hindi dapat maliitin ang mga nagsisilbing hadlang sa paglago gaya ng radical at violent groups na nagre-recruit ng mga kabataan.

Paliwanag pa ni VP Sara na marami na aniyang buhay ang nawala dahil sa kaliwa’t kanang pambobomba na naranasan sa Mindanao bukod pa sa napinsalang public at private properties.


Iginiit din ng pangalawang pangulo na nasayang ang oportunidad sa pagnenegosyo bunsod ng terror attacks.

Inihalimbawa nito ang Koronadal at Davao City na hindi nakaligtas sa banta ng terorismo kaya naantala ang pag-unlad.

Dagdag pa ni VP Sara, mahalaga ang dekalidad na edukasyon at paggabay ng mga magulang sa kabataan.

Facebook Comments