
Walang nakikitang stability sa Kamara si Vice President Sara Duterte kahit na bumaba na si dating House Speaker Martin Romualdez.
Sa ambush interview sa Davao City, sinabi ni VP Sara na mananatiling magulo ang Kongreso dahil wala aniyang vision, walang direksyon, at walang plano dahil ang focus aniya ng mga namumuno ay ang hinggil sa kung papaano sila makakapagbulsa ng pera ng taumbayan.
Malinaw aniya na pinaghahandaan na ng mga kaalyado ng administrasyon ang 2028 national elections.
Sinabi ni VP Sara na malinaw din na ebidensya ang kawalan ng maayos na proyekto para sa taumbayan.
Facebook Comments









