VP Sara, hinamon si PBBM na panagutin pa rin sina dating House Speaker Martin Romualdez at Cong. Zaldy Co sa aniya’y pag-chop-chop sa budget ng Pilipinas

Iginiit ni Vice President Sara Duterte na dapat habulin ni Pangulong Bongbong Marcos at papanagutin sa aniya’y pag-chop-chop sa national budget sina dating House Speaker Martin Romualdez at Cong. Zaldy Co.

Sa ambush interview sa Davao City, sinabi ni VP Sara na dapat panagutin ni PBBM sina Romualdez at Co sa aniya’y pagkuha ng pera ng bayan para bumili ng mga ari-arian sa abroad at ng jets.

Ayon kay VP Sara, nanganganib na naman ang 2026 national budget dahil ang ipinalit kay Romualdez na si bagong Speaker Faustino “Bojie” Dy III, ay magkakasama rin sa circle nina Romualdez , Cong. Sandro Marcos , Isabela Governor Rodolfo “Rodito” Albano III at ni Pangulong Marcos.

Facebook Comments