VP Sara, hindi idideklarang terorista dahil sa kanyang banta kay PBBM

Walang plano ang Department of Justice (DOJ) na bansagang terorista si Vice President Sara Duterte dahil sa naging pahayag niya laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, nilinaw ni Justice Usec. Jesse Andres na iniimbestigahan lang nila ang posibleng paglabag ni Duterte sa probisyon ng Anti-Terrorism Law.

Posibleng nilabag ni Duterte ang batas nang sabihin niya na mayroong siyang kinontrata para patayin ang pangulo at ilang kamag-anak nito kapag may nangyaring masama sa kanya.


Pero hindi aniya ibig sabihin na pinag-aaralan na rin nilang ideklara ito bilang terorista.

Ayon kay Andres, nakasaad kasi sa probisyon ng batas na maaaring parusahan ang sino mang sangkot o may intensyon na patayin ang kapwa tao para makapagdulot ng destabilisasyon at takot sa publiko.

Dagdag pa ng opisyal na isang “test case” ang kaso ni VP Sara para mapatunayan sa publiko na walang sinu-sino ang batas, mahirap man o pulitiko.

Facebook Comments