VP Sara, hindi itinalagang caretaker ng bansa dahil kumalas na sa gabinete ng Pangulo; PBBM, dismayado sa pahayag ni VP Sara na hindi sila magkaibigan

Nagpaliwanag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung bakit hindi niya itinalagang caretaker ng bansa si Vice President Sara Duterte habang nasa apat na araw na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Laos.

Ayon sa pangulo, kahit nasa gobyerno pa ito, hindi na parte ng gabinete VP Sara dahil kumalas na siya sa administrasyon.

Hindi na aniya siya bahagi ng pang araw-araw na ginagawa nila ngayon at hindi naman patas kung oobligahin niya ito gayong hindi na ito parte ng trabaho ng bise presidente.


Samantala, dismayado naman si Pangulong Marcos sa pahayag ni VP Sara na hindi sila magkaibigan.

Ayon sa pangulo, inakala niyang isang kaibigan ang bise presidente pero marahil ay naloko siya.

Facebook Comments