VP Sara, hindi kailangan sa ngayon sa NSC kaya sinibak sa konseho –Malacañang

Nagpaliwanag ang Malacañang sa tunay na layunin ng Executive Order No. 81 o ang pagbalasa sa National Security Council (NSC).

Ayon kay Executive Sec. Lucas Bersamin, ito ay para gawing mas episyente at epektibo ang membership ng NSC.

Sa ngayon aniya ay hindi ikinokinsiderang relevant ang Bise Presidente sa mga responsibilidad ng konseho.


Gayunpaman, may kapangyarihan naman daw ang Pangulo na magdagdag ng mga miyembro at advisers kung kakailanganin.

Samantala, hindi naman ito ang unang pagkakataon na nire-organisa ang NSC sa mga nakalipas na administrasyon, dahil nagkaroon din ng mga pagbabago sa ilalim ng liderato nina dating Pang. Fidel Ramos at Gloria Macapagal-Arroyo.

Binalasa ni Pangulong Marcos ang mga miyembro ng NSC kung saan tinanggal ang bise-presidente at mga dating pangulo bilang mga miyembro nito.

Matatandaang sa isang open letter noong Nobyembre, nanghingi ang bise ng paliwanag sa NSC kung bakit hindi siya umano naiimbitahang dumalo sa mga pagpupulong ng council kahit miyembro siya nito.

Nangyari ito sa gitna ng pagkawasak ng alyansa nina Pangulong Marcos at VP Sara kasunod ng umano’y banta ng bise sa Pangulo noong nakaraang taon.

Facebook Comments