Friday, January 30, 2026

VP Sara, hindi pa rin ligtas sa impeachment

Iginiit ni House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Representative Leila De Lima na hindi pa rin ligtas si Vice President Sara Duterte sa impeachment.

Mensahe ito ni De Lima makaraang pagtibayin ng Supreme Court ang una nitong deklarasyon na unconstitutional ang Articles of Impeachment laban kay VP Duterte.

Paliwanag ni De Lima, ang pasya ng Kataas-taasang Hukuman ay nakabatay sa teknikalidad at ito ay magagamit sa mga susunod na paghahain ng impeachment complaint.

Binigyang-diin ni De Lima na hindi maituturing na tagumpay sa panig ni VP Sara ang SC ruling dahil hindi nito nalinis ang kaniyang pangalan mula sa mga alegasyong nakapaloob sa kinaharap niyang impeachment case.

Facebook Comments