VP Sara, hinikayat ng isang kongresista na kumbinsihin ang mister at kapatid na humarap sa pagdinig ng quad committee ng Kamara

Iginiit ng dalawang lider ng Kamara kay Vice President Sara Duterte na makabubuting kumbinsihin nito ang mister na si Atty. Manases “Mans” Carpio, at kapatid na si Davao City 1st District Representative Paolo “Pulong” Duterte na humarap sa imbestigasyon ng binuong quad committee ng Kamara.

Mensahe ito kay VP Sara nina House Deputy Majority Leader at Tingog Party-list Representative Jude Acidre at House Assistant Majority Leader and AKO Bicol Party-list Representative Jil Bongalon upang magkaroon ng pagkakataon sina Carpio at Representative Duterte na mailahad ang kanilang panig ukol sa akusasyong may kinalaman sila sa shabu importation.

Ito ay makaraang ibunyag ni dating Customs Intelligence Officer Jimmy Guban sa pagdinig ng quad committee na sina Carpio, Congressman Duterte at dating Presidential Economic Adviser Michael Yang ang nasa likod umano ng 6.8 billion pesos na shabu laman ng magnetic lifters na nakalusot sa Manila International Container Port noong 2018.


Kaugnay ito ay nangako si Acidre na ibibigay ang kortesiya at respeto na nararapat para kina Atty. Mans at Congressman Pulong sakaling magpasya sila na humarap sa susunod na mga pagdinig ng quad committee ukol sa extra judicial kilings (EJK), war on drugs at pagkakasangkot sa kriman ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Facebook Comments