VP Sara, hinimok ang LGUs sa Cebu na pangunahan ang imbestigasyon sa nangyaring malawakang pagbaha sa lalawigan

Hinimok ni Vice President Sara Duterte ang mga lokal na pamahalaan sa Cebu na pangunahan ang imbestigasyon sa nangyaring malawakang pagbaha sa lalawigan matapos ang pananalasa ng Bagyong Tino.

Sa ambush interview sa Cebu, sinabi ni VP Sara na dapat malaman ng mga lokal na opisyal ang tunay na dahilan ng nangyaring flashflood at pag-aralan ang mga hakbang para hindi na maulit ang trahedya.

Aminado si VP Sara na dismayado siya sa nangyari sa Cebu lalo nat hindi pa ito nakakabangon sa pagtama ng malakas na lindol.

Muling nag-ikot sa Cebu ang pangalawang pangulo para mamahagi ng relief goods at dinalaw nito ang burol ng mga nasawi sa Bagyong Tino sa lalawigan.

Kabilang sa mga lumulutang na dahilan ng malawakang pagbaha sa Cebu ang mabilis na urbanisasyon, deforestation ng upland watersheds, ang pagsemento sa bahagi ng kabundukan at ang mababang waterways .

Facebook Comments