
Ibinunyag ni Vice President Sara Duterte na hindi lamang sa flood control projects nagkaroon ng malawakang katiwalian.
Sa ambush interview sa The Hague, The Netherlands, ibinulgar ni VP Sara ang aniya’y naging hatian ng ilang kongresista sa pondo ng Education Department para sa pagpapatayo ng school buildings.
Sinabi ni VP Sara na kinuwestiyon niya ito at nasilip din ito noon ng Senado pero naging tahimik lamang aniya ang administrasyon.
Hinamon din ni VP Sara ang Marcos administrasyon na imbestigahan din ang budget ng pamahalaan noong 2024 at ngayong 2025 kung talagang seryoso ito sa pagsilip sa mga katiwalian sa gobyerno.
Facebook Comments









