VP Sara, iginiit ang kahalagahan ng diwa ng Eid al-Adha sa kasalukuyang panahon

Nagpa-abot ng pagbati si Vice President Sara Duterte sa mga kapatid na Muslim ngayong ipinagdiriwang ang Eid al-Adha.

Sa kanyang mensahe, inihayag ni VP Sara na ang nasabing okasyon nawa ay magsilbing paalala sa lahat hinggil sa kahulugan ng sakripisyo, pananampalataya, at kabutihang-loob para sa pang-araw-araw na buhay.

Sinabi rin ng pangalawang pangulo na ang diwa ng Eid al-Adha ay nagsisilbing paalala ng lakas ng loob, pagbibigayan, at malasakit sa kapwa na higit na mahalaga sa kasalukuyang panahon.

Facebook Comments