
Iginiit ni Vice President Sara Duterte na ang kaniyang pagiging front-runner sa 2028 presidential race ang dahilan sa mga kasong isinusulong laban sa kanya ng administrasyon.
Kabilang na aniya rito ang impeachment case na bahagi ng planong pag-eliminate sa kanya sa harap ng kaniyang pangunguna sa surveys sa pampanguluhang halalan sa 2028.
Sinabi ni VP Sara na nais kasi ng Pangulong Bongbong Marcos na manatili sa poder pagkatapos ng termino nito sa 2028.
Sa katunayan aniya, isa sa mga kamag-anak ng Pangulong Marcos ang nagkumpirma na nais ni PBBM na tumakbo sa presidential race.
Facebook Comments









