VP Sara, inupakan ang aniya’y panggigipit ng pamahalaan sa mga naniniwala kay FPRRD

Inupakan ni Vice President Sara Duterte ang aniya’y nangyayaring harassment ng pamahalaan sa mga naniniwala kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Tinukoy ni VP Sara ang pagsasampa ng kaso dahil lamang sa opinyon ng mga ito sa politika at sa pagsuporta sa dating pangulo.

Iginiit din ni VP Sara na dahil sa nangyayari ngayon sa pamahalaan, wala na aniyang pag-asa ang bansa sa tamang landas.

Sinabi pa ni VP Sara na nawala na rin ang bansa sa landas ng pagkakaisa at sa pagpapatuloy ng legacy na nasimulan ni dating Pangulong Duterte.

Facebook Comments