
Nanindigan si Vice President Sara Duterte sa babala nito na wala na tayong bansa pagsapit ng 2028.
Sa kanyang muling pagharap sa mga Pilipino sa The Netherlands, sinabi ni VP Sara na lugmok na sa kahirapan ang Pilipinas dahil wala aniyang ginagawa ang gobyerno.
Sa halip, patungo aniya sa basurahan ang mga hakbang na ginagawa ng administrasyon at patungo sa landas ng kapahamakan.
Sinabi pa ng pangalawang pangulo na walang nakikitang pag-asa ang mga Pilipino dahil wala
silang nakikitang aksyon mula sa gobyerno.
Samantala, pinabulaanan ni VP Sara na hinahamon niya na mag-resign ang Pangulong Bongbong Marcos.
Aniya, ang sinabi niya sa mga Pilipinong sumisigaw ng “Marcos resign” ay linawin ang mga dahilan kung bakit nila pinabababa sa pwesto si PBBM.