
Pinabulaanan ni Vice President Sara Duterte na dumulog ang defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Australian government para sa interim release ni PRRD.
Ayon kay VP Sara, kahit kailangan ay hindi nagsumite ng aplikasyon ang mga abogado ng dating pangulo sa Australia para sa pananatili nito roon sakaling mapagbigyan ang kahilingang interim release.
Nilinaw ni VP Sara na walang balak ang kampo ni Dating Pangulong Duterte na magpasaklolo sa nasabing bansa sakaling pansamantala itong makalaya mula sa Internatinal Criminal Court detention facility sa The Hague, The Netherlands.
Ang reaksyon ni VP Sara ay kasunod ng ulat na hindi pinagbigyan ng Australian government ang kahilingan ng dating pangulo na pansamantalang manatili roon sakaling mapalaya mula sa ICC.









