Itinanggi ni Vice President Sara Duterte-Carpio na sangkot siya sa mga aktibidad ng “Davao Death Squad.”
Ang Davao Death Squad ay sinasabing nasa likod ng summary executions ng mga taong pinaghihinalaang sangkot sa krimen at iligal na droga.
Bago ito, sinabi ni dating Senator Antonio Trillanes IV sa isang TV interview na kabilang si VP Sara sa umano’y respondents sa imbestigasyon ng International Criminal Court dahil sa umano’y pag-apruba nito sa “tokhang operations” ng Davao Death Squad noong siya pa ang alkalde ng lungsod.
Sa isang statement, sinabi ni VP Sara na sa mga taong nagsilbi siya sa Davao ay hindi kailanman nadawit ang pangalan siya sa Davao Death Squad.
Gayunpaman, handa raw niyang harapin ang anumang akusasyon laban sa kanya pero tanging sa korte lang ng Pilipinas.
Giit niya, hindi siya lalahok o magiging parte ng isang prosesong magsasadlak sa Pilipinas sa kahihiyan at dudurog sa dignidad ng justice system ng bansa.