Sa unang pagkakataon, hindi itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Vice President Sara Duterte bilang caretaker ng bansa kasunod ng kaniyang pagbiyahe sa Laos ngayon araw.
Ayon kay PCO Secretary Cesar Chavez, sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, at DAR Sec. Conrado Estrella muna ang caretaker ng bansa habang wala ang pangulo.
Dadalo si Pangulong Marcos sa back-to-back 44th at 45th ASEAN Summit and Related Summit sa Lao mula October 8 – October 11.
Ito ang unang pagkakataon na hindi naging caretaker ng bansa si Vice President Sara Duterte habang wala ang pangulo.
Huling naging caretaker ng bansa si Duterte noong bumyahe ang pangulo sa Singapore para dumalo sa Shangri-La Dialogue buwan ng Mayo.