Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na ikinokonsidera niya ang posibleng pagtakbo sa 2028 presidential elections.
Kinumpirma ito ni VP Sara sa ginanap niyang meet-and-greet sa mga Pilipino sa Japan.
Sinabi ni VP Sara sa Filipino community doon na hindi na niya matiis ang hindi magandang nangyayari sa bansa.
Aniya, hindi na maaaring magpatuloy pa ang tagilid na sitwasyon ng bansa.
Una nang ikinalugod ng pangalawang pangulo ang national rally kahapon ng Iglesia ni Cristo para sa panawagang pagkakaisa.
Facebook Comments