VP Sara, maaari pa rin managot sa isyu ng maling paggamit ng confidential funds pero hindi maaalis sa pwesto —Ombudsman Remulla

Ipinaliwanag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na maaari pa rin ma-prosecute si Vice President Sara Duterte sa maling paggamit ng milyun-milyun pisong confidential fund ng tanggapan nito at ng Department of Education (DepEd).

Sa isang panayam kay Ombudsman Remulla, ipinaliwanag nito na maaari pa rin nilang mapanagot si VP Sara sa mga kasong kinakaharap nito pero hindi nila ito mapapatalsik sa pwesto.

Aniya, ang mga makukuha nilang ebidensiya at ulat sa ginawang imbestigasyon ay ipapasa sa kongreso kung saan sila na ang magpapasiya kung i-impeach ang bise presidente.

Bukod dito, inamin ni Remulla na hindi pa niya nababasa ang kasong inihain laban kay VP Sara kahit pa nakaupong kalihim ng DOJ dahil agad daw itong inihain ng prosecutor general sa Ombudsman.

Maging ang reklamong inendorso ng House Committee on Good Government and Public Accountability ay hindi pa rin niya nababasa kung kaya’t agad niya itong ire-review at pag-aaralan upang malaman kung may sapat na ebidensiya ang kaso.

Facebook Comments