VP Sara, maaaring sampahan ng kasong malversation ayon sa isang kongresista

Para kay Batangas Rep. Gerville Luistro, sapat na ang mga ebidensyang nakalap ng House Committee on Good Government and Public Accountability para mapagharap si Vice President Sara Duterte ng kasong malversation at mayroon ding breach of public trust.

Sabi ni Luistro kaugnay ito sa umano’y iregularidad na paggamit ng Department of Educantion (DepEd) ng confidential funds laban sa insurhensiya kung saan mayroon umanong nawawalang P10.4 milyon.

Diin ni Lusitro, hindi malinaw ang pagkakagastos sa P15.5 milyong halaga ng confidential fund ng DepEd batay sa mga isinumite nitong dokumento sa Commission on Audit.


Ayon kay Luistro, kung pagbatatayan ang mga counter insurgency programs ng DepEd ay lumalabas na mahigit 4.2-million pesos lamang ang nagastos.

Kwestyunable rin para kay Luistro kung bakit DepEd ang nagsasabi sa mga national security agency ng gobyerno kung saan magsasagawa ng mga anti-insurgency program.

Facebook Comments