VP Sara, magaling daw magpatawa kahit hindi komedyante —Malacañang

Umalma ang Malacañang sa pangmamaliit ni Vice President Sara Duterte sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) na tinawag niyang “for nothingness” o wala nang kabuluhan.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, lumitaw umano ang ibang “talento” ng bise presidente na tila magaling magpatawa kahit hindi komedyante.

Giit ni Castro, hindi matatakpan ng mga biro ang seryosong usapin ng korapsyon lalo’t kumikilos si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., upang tugunan ang reklamo sa maanomalyang flood control projects.

Kwinestiyon rin ni Castro kung maaaring tawaging “living hell” ang nakaraang administrasyon dahil mismong si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang umamin noong 2017 na siya ay corrupt at at may mga umiiral rin na ghost projects.

Facebook Comments