VP Sara, magsisilbing caretaker ng bansa sa loob ng limang araw habang nasa abroad si PBBM

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Vice President Sara Duterte bilang caretaker ng bansa habang nasa limang araw na working at state visit ito sa Germany at Czech Republic.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cheloy Garafil.

Ibig sabihin, si VP Sara muna ang mamamahala sa bansa hanggang sa oras na makabalik ang pangulo sa Pilipinas.


Ngayong hapon, ay nakatakdang bumiyahe si Pangulong Marcos patungong Germany at Czech at inaasahan namang babalik kaagad sa bansa sa March 15.

Makikipagpulong ang pangulo sa malalaking negosyante sa Germany at Czech Republic upang mapalawak ang oportunidad sa kalakalan at pamumuhunan.

Facebook Comments