VP Sara, makabubuting kausapin ang kanyang pamilya para suportahan si PBBM

Sa tingin ni Zambales 1st District Rep. Jefferson Konghun mainam na kausapin ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte ang kanyang pamilya para suportahan si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Diin ni Konghun, wala namang ibang gusto si Pangulong Marcos kundi ang kaunlaran at katahimikan ng ating bansa.

Magugunitang si VP sara ay tumakbo at nanalo bilang ikalawang pangulo sa ilalim ng UniTeam.


Para kay Konghun nananatiling buo ang UniTeam at patunay nito ang pagiging “united” o buo ng Kamara sa panawagan ni Pang. Marcos Jr., sa ilalim ng liderato ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Sabi naman ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, ang Uniteam ay hindi naman natapos sa kampanya lalo’t malinaw naman na hanggang ngayon ay nananatiling maayos ang relasyon ng pangulo at ikalawang pangulo.

Dagdag pa ni Adiong, ang UniTeam political slogan ni President Marcos at VP Duterte ay naging kongkreto at actual plan kaya nagkroon nga tayo ng paglulunsad ng Bagong Pilipinas.

Facebook Comments