VP Sara, matagal ng pinaghahanda si Sen. Bato sa kaniyang kaso sa ICC

Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na matagal na niyang pinagsabihan si Senador Ronald dela Rosa na paghandaan ang kanyang kaso sa International Criminal Court (ICC).

Sa ambush interview sa Himamaylan, Negros Occidental, sinabi ni VP Sara na noon pa niya pinayuhan si Dela Rosa na kumuha ng abogado na eksperto sa international law at sa ICC.

Ito ay para mabigyan siya ng maayos na payong ligal para sa mga susunod na legal actions.

Tumanggi naman si VP Sara na magbigay ng reaksyon sa sinasabing lumabas na warrant of arrest laban kay Dela Rosa.

Facebook Comments