Wednesday, January 21, 2026

VP Sara, may panibagong plunder at graft charges

Nagsampa ng panibagong plunder at graft charges sa Office of the Ombudsman sina dating Sen. Antonio Trillanes IV at ang civil society group na The Silent Majority (TSM) laban kay Vice President Sara Duterte.

Bukod sa mga naunang paratang kaugnay ng umano’y ₱650 milyong confidential funds na kaniya umanong winaldas noong siya ay kalihim ng Department of Education (DepEd), isinama na rin sa bagong reklamo ang mga umano’y kaso ng katiwalian noong siya ay alkalde ng Davao City.

Kabilang dito ang kaniyang ₱2.7 bilyon na confidential funds at ang pagtanggap umano niya ng suhol sa mga drug lord.

Ayon kay Trillanes, layon ng ikalawang kasong plunder at graft na maipakita sa publiko ang umano’y tunay na imahe ni Duterte.

Sinabi naman ni Jocelyn Acosta, founder ng The Silent Majority, maihahalintulad ang naturang alegasyon sa mga maanomalyang flood control projects kaya’t nararapat lamang umano na bigyang-prayoridad ito ng Office of the Ombudsman.

Facebook Comments