VP Sara, may sagot na kay FL Liza

Inihayag ngayon ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte na bilang tao, karapatan umano ni First Lady Liza Marcos na makaramdam ng sama ng loob at galit.

Ayon kay VP Sara, ang personal na damdamin umano ng first lady ay walang kinalaman sa kanyang mandato bilang isang opisyal ng pamahalaan.

Nakiusap si VP Sara na para makausad dapat aniyang iwan na lang ang naturang isyu sa isang pribadong pag-uusap sa pagitan lamang nila ni Pangulong Bongbong Marcos.


Paliwanag ng Pangalawang Pangulo na mayroong umanong kinakaharap ang ating bansa na kinakailangang solusyonan sa gobyerno kung saan ay dapat umano ay nakatutok sila sa pagtugon sa mga suliraning hinaharap ng ating bansa.

Giit pa ni VP Sara na ang dapat na pagtuunan ng pansin ay ang patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain at iba pang mga bilihin at ito ay mas nagpapahirap pa aniya sa dinaranas na gutom o kawalan ng sapat na pagkain ng mahihirap na Pilipino

Nagbabadya rin aniya ang kakulangan ng supply ng tubig at kuryente, at laganap ang ipinagbabawal na droga na dapat talagang pagtuunan ng pansin ng gobyerno.

Facebook Comments