VP Sara, muling bumalik sa Cebu para mag-ikot sa mga hinagupit ng Bagyong Tino

Binalikan ngayong araw ni Vice President Sara Duterte ang Cebu para ipagpatuloy ang pag-iikot sa mga residenteng sinalanta ng Bagyong Tino.

Bago mag-alas otso kaninang umaga dumating sa Mactan-Cebu International Airport si VP Sara at agad niyang pinuntahan ang Liloan partikular ang Liloan Central School kung saan dinalaw niya ang burol ng mga nasawi sa bagyo.

Nag-turnover din ni relief goods si VP Sara sa dalawang barangay sa Liloan.

Dinalaw rin ni VP Sara ang evacuation centers sa mga paaralan sa Danao City at sa bayan ng Compostela.

Kahapon, maghapon ding inikot ng Pangalawang Pangulo ang Negros Occidental.

Facebook Comments