
Sang-ayon ang Malacañang sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na mas mabuti pang tumakbo bilang mayor ng Davao City kaysa bise presidente.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mas maayos sana kung nanatili na lamang si VP Sara sa pagiging alkalde at ang nahalal na bise presidente ay aktibong tumutulong sa pangulo.
Giit ni Castro, kailangan ng bansa ang lider na kumikilos at nakatuon sa trabaho, hindi sa bakasyon at batikos.
Dagdag pa niya, mas mabilis sana ang pag-usad ng mga programa ng pamahalaan kung may solidong katuwang ang pangulo.
Gayunman, sinabi ng Palasyo na huli na ang pagsisisi.
Facebook Comments










