
Inihalintulad ni Palace Press Officer Claire Castro sa karakter na si “Chucky” si Vice President Sara Duterte kapag ito ay nagagalit, kasunod ng pahayag ng bise presidente na ayaw nitong batiin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa kaniyang vlog, binatikos ni Castro ang asal ni Duterte at iginiit na kapansin-pansin ang pagbabago ng itsura nito tuwing nagagalit, lalo na kapag umano’y nawawala na sa kontrol ang emosyon.
Bilang patunay, ipinakita pa ang mga larawan ng karakter na si Chucky mula sa pelikulang Child’s Play.
Kasabay nito, ipinagtanggol ni Castro si Pangulong Marcos at iginiit na nananatiling kalmado at mahinahon ang Pangulo sa kabila ng mga batikos at tensyon sa pulitika.
Ayon sa Palasyo, malinaw ang pagkakaiba ng asal ng pangulo at ng bise presidente, lalo na sa paraan ng pagharap sa galit at kritisismo.
Dagdag pa ng Malacañang, hindi kailanman nagpakita ng pagbabanta, pagmumura, o emosyonal na pagsabog ang Pangulo, anuman ang panahon o sitwasyon.








